‘Yes vote to Mabalacat cityhood,’ inaasahang halos siyento porsyento

    357
    0
    SHARE

    Sa wakas, makalipas ang ilang taon
    Ng pagnanais ni ‘longest sitting mayor,
    Marino Morales of Mabalacat town’,
    Matutupad na rin ang isinusulong

    Ng butihing Punongbayan na naturan
    Na naging aktibo sa panunungkulan,
    At walang inisip kundi kapakanan
    Ng Mabalacat at kanyang kababayan.

    At kabilang nga sa ninais mangyari
    Ni Boking mula nang siya’y maging Alkalde
    Ay itong sana ay ganap maging ‘city’
    Ang naturang bayan hangga’t maaari.

    Kaya naman lahat na ng pagsisikap
    Upang bayan niya ay lalong umunlad,
    Ay hinangad niyang mapabilang dapat
    Sa progressive city itong Mabalacat.

    Katuwang ang SB na naging ‘supportive’
    Sa nais nito na yan ay makamit,
    Ngayon pa lamang ay ating nasisilip
    Na “Yes” ang resulta nitong botong higit

    Papabor kay Boking, na ang Mabalacat
    Ay mapabilang sa asensadong siyudad
    Dahilan na rin sa yan ay mag-aangat
    Sa ekonomya ng buong komunidad.

    At higit sa dating serbisyo publiko
    Na kayang ibigay ng nasa gobyerno,
    Partikular na r’yan ng Alkalde mismo
    Ay tiyakang higit na mag-iibayo.

    Sapagkat maliban sa kanilang IRA
    Ay may karagdagang matatanggap sila
    Mula sa ‘national government’ kapagka
    Itong Mabalacat ay naging lungsod na.

    Alalaon baga, sa puntong naturan
    Ay tunay naman ding panalo, kundi man
    Higit pa sa doble ang matatanggap n’yan
    Kung “Yes” itong higit na mangingibabaw.

    Sa isang ‘referendum’ na nakatakda nang
    Gaganapin nitong beinte (21) ng buwan
    Sa mga ‘polling place’ ng nasabing bayan,
    Na inaasahang lubos papaboran

    Nitong mahigit sa nobenta porsyento
    Ng ‘electorate’ ng Mabalacat mismo,
    Pagkat batid nilang ang tunguhin nito
    Ay kaganapan ng tunay na asesnso

    At kaunlaran sa bayang Mabalacat,
    Kung saan sila rin naman itong sukat
    Makinabang sa biyayang matatangap
    Ng lugar kapaka ito’y naging siyudad.

    Kaya sa puntong yan ay nanawagan
    Si Mayor Morales sa kanyang kabayan,
    Na magka-isa na sa adhikaing yan
    Ang lahat – at mag-“Yes” sa kasagutan n’yan

    Sa balota na kung saan isusulat
    Ang kanilang pasiya – kung sila ay payag
    O hindi – na ang bayan ng Mabalacat
    Ay dapat na nga ba itong maging siyudad?

    Kung saan gaya ng naunang tinuran
    Ni ‘yours truly’ ay tunay na kaunlaran
    Sa ‘Mabalacat town’ ang puedeng asahan
    Kapag ito’y naging lungsod nang tuluyan!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here