Walang dumpsite sa Lara, giit ni Oca

    419
    0
    SHARE

    Matapos pasyalan nina Bishop David
    Kasama ang ilang ‘environmentalists’
    Ang barangay Lara, na ‘subject’ malimit
    Ng noon pa man ay matagal nang tsisimis

    Na may ‘open dumpsite’ sa naturang lugar,
    At nang bisitahin nga nina David yan,
    Possibly they mistook the file of residuals
    Na ya’y basura lang na hindi nakuhang

    Kolektahin ng kung sinong may kontrata
    At dalhin kung saan landfill ang basura,
    Pero ito pala’y galing na kumbaga
    Sa kung anong bagay na segregated na?

    At ang naturang residuals ay ‘subjected
    To a pelletized form (as what I also heard)
     Before the city can sold these things to market
    As source of energy’, as mayor Oca said?

    At kung aniya ang pelletization
    Ng residuals ginagawa mismo roon
    Nitong diumano yata ay Spectrum
    Bluesteel, na isang private corporation

    That uses a shredder that turns said residuals
    To pellets which is used to produce (mineral?)
    Mula sa katas ng bagay na naturan,
    Kundi man bagay na puedeng i-recycle.

    Kung saan, ang sabi ng butihing Mayor
    Imbes makagiling ng ‘around 40 tons
    Of garbage a day’ yan ay wala pang 10 tons
    Ang kayang tapusin nito sa maghapon.

    At natural lang na mapagkakamalan
    Na ‘file of garbage’ na di nakolekta yan
    Nitong kahit sino na makakita niyan
    Na ya’y “open dumpsite” sa kasalukuyan.

    Tulad nitong tila parang paghahamon
    Nina Bishop David at kasama nitong
    Environmentalists na pumasyal doon,
    Na dapat linisin muna raw ni Mayor

    Ang lugar, at tiyaking ito’y malinis na
    Bago nito gawin ang pangungumbida,
    Upang ang grupo ay mapaniwala niya
    Na di ‘open dumpsite’ ang nakita nila.

    Kundi MRF lang at ang nakita r’on
    Nitong nag-conduct ng surprise visit doon
    Ay ‘file of residuals’ nga lang na naipon
    Ayon na rin sa’ting “world class city mayor”.

    Kaya sa puntong yan wala nang hihigit
    Marahil kundi ang bigyan ni Rodriguez
    Ng ultimatum ang kumpanyang nabanggit
    To solve the said problem within 2 to 3 weeks

    Ultimatum he gave to the said company
    Sa paraang kung papano mapabuti
    Ang kanyang serbisyo sa ‘affected city
    At their expense’ para mapabilis pati

    Itong pag-pelletized  sa ‘file of residuals’
    Upang mahagad ang bagay na naturan,
    Na isisnisi kay Mayor kung minsan
    Lalo ng iba riyang di nito kabagang

    Na di pa man hayan, pinupulitika
    Na ng ilan kahit epektibo siya
    Sa kanyang tunkulin kahit malayo pa
    Ang halalan dahil na rin sa intriga.

    O sadyang ang buhay pulitiko’y ganyan
    Na kahit uliran sa panunungkulan
    Ay binabato r’yan ng putik kung minsan
    Ng iba nang dahil sa sila’y kalaban?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here