Kung ang Ingat-yaman mismo ng barangay
Itong handang tumestigo’t magpatunay
Na si VM Castro, na dating Kapitan
Ng baryo Bundagul ay gumamit nga yan
Ng ‘public fund’ upang ito’y makabili
Ng kung ilang metro kuadradong property
Na ngayo’y subject ng isang controversy,
Sa barangay nila – at ya’y sinasabi
Ni Vice na sariling bulsa ang ginamit
Upang mabili niya ang loteng nabanggit,
Yan bagama’t walang acknowledgement receipt
To prove further that he ordered instant release
Of the more than one hundred thousand pesos in cash
For and in payment of the aforementioned lot,
Vice Castro cannot just denied the simple fact
That he received the same upon withdrawn from bank.
At di niya pupuedeng pasinungalingan
Na di natanggap ang halagang naturan
Mula kay barangay treasurer Cunanan
Ang perang ginamit para sa loteng yan
Sapagkat di lingid maging sa Konseho
At sa mga dating Kagawad niya mismo
Nang siya pa ang Punong barangay umano,
Kung para saan ang pina-withdraw nito
Sa Treasurer nila, at dagling kinuha
Nga ni Mr. Castro ang nasabing pera
Upang pambili ng loteng laan sana
Para sa basketball court ng lugar nila.
Na nabale-wala sa di pagkatuloy
Ng 3.5 million para sa proyektong
‘Covered court’ na handa nang ibigay noon
Ng isang senador kung di sa milagrong
Ang ‘title’ ng lupa ay nakapangalan
Kay Castro, imbes sa naturang barangay,
Kaya di pupuedeng ang pamahalaan
Ang gumastos para maipagawa yan.
Pero kamakailan yata ay pumirma
Si Castro ng ‘deed of donation’ anila
‘For and in favor of said barangay’ nila
Upang ito’y maging public property na?
Sa puntong ito ay dalawang bagay lang
Ang posible nating isipin, kabayan;
Una di malayong nagpapabango yan
Para sa darating na eleksyong lokal
Pagkat kung ganito nga naman kadaling
Magbigay ang gustong maglingkod sa atin,
Yan ay di malayong iboto nga natin
Sa pag-aakalang sadyang matulungin.
Pangalawa, baka iwas pusoy lamang
Itong si Vice pagkat tila naramdaman
Nitong siya’y balak na yatang sampahan
Ng umano ay ‘malversation of public funds’.
Kung saan sa puntong ya’y kasong kriminal
Ay medyo tagilid ang magiging laban
Ni VM saan mang anggulo titingnan,
Puera na lamang kung hindi ‘intentional’
Na ipinangalan sa kanyang sarili
Ang ngayon ay kontrobersyal na property,
To gain for himself but just to save it really
From losing it since the owner is in hurry
To sell it to others kaya pinalualan
Na nito at siya ang bumili bilang,
Kung kaya nga ‘deed of donation’ ang kanyang
In-‘execute’ para sa loteng naturan.
Kaya lang sa isyung di galing ang pera
Sa pondong hawak ng Ingat-yaman nila,
Kundi aniya’y galing sa sariling bulsa,
Ang kahantungan ay pihong husgado na!