Junk-shop owners, katuwang laban sa krimen

    451
    0
    SHARE

    Itong pagkatatag dito sa Pampanga
    Ng mga junkshop owners sa grupo nila
    Ng samahan para sila’y magka-isa
    Sa isang mithiin ay napakaganda

    At maaring yan ang maging panimula
    Upang ang nakawan ay hindi lumala
    At malapatan ng lunas kaipala
    Itong sa ngayon ay malimit mawala

    Sa kapaligiran, gaya r’yan ng kable
    Ng telepono at kawad ng kuryente,
    Na napakadaling ngayo’y ipagbili
    Sa mga ‘junk shops’ sa ating tabi-tabi

    Na naging grabe na at lubhang talamak
    Partikular na sa mga ‘urban areas,’
    Na kung saan pati nakaw na ‘spare parts’
    At matinong gamit ay nagiging ‘scrap’
     
    At bunsod na rin ng diyan tumatabo
    Ng husto ang ‘buyer’ ng ganitong lako,
    Batid mang nakaw ang binentang patago
    Ya’y natural lang na magsa-walang kibo

    At baka taasan pa nito ang presyo
    Upang ang nagbenta’y mawili ng husto,
    Sanhi ng matinding kumpitensya mismo
    Ng ibang proprietor sa ganyang negosyo.

    Pero ngayong ang ‘1st Junkshop Federation’
    Ay naitayo sa Pampanga ya’y pihong
    Malulunasan na bunsod na rin nitong
    Saan man ya’y di na binibili ngayon

    Pagkat nagkaisa na nga ang naturang
    Kasapi, na itigil na ng lubusan
    Ang pagbili nila ng kable’t iba pang
    Metal parts na baka yan ay ninakaw lang.

    Governor Pineda expressed optimism
    That the newly formed junkshop federation will
    Surely help our authorities in curbing
    Criminality by just simply avoiding

    Buying anything that’s not considered scrap
    Nor a deformed metal but serviceable part,
    Since no one can able to sell at a junk shop
    Something that may has been a stolen product.
      
    This developed as our beloved governor
    Led the officers’ oath-taking of newly formed
    Federation of junkshop owners in town,
    At a food court nearby the PPO Compound.      

    “Kung di maibenta ng mga kriminal
    Ang nakaw na kable’t mga pyesang bakal
    Sa alin mang junkshop sa ‘ting lalawigan,
    Nanakawin pa ba yan?”, sabi ni Nanay.

    In short, sa puntong yan at sa panawagan
    Ng ating butihing Punong-lalawigan
    Sa lahat, lalo sa kinauukulan,
    Ang aniya ay lubos na pagtutulungan

    Laban sa ganitong klaseng aktibidad
    Ng mga kawatan sa lahat ng oras,
    Di maglalaon ay matitigil ganap
    Ang ganyang nakawan sa’ting komunidad.

    Nanay Baby also recognized junk shops’ role
    In the proper solid waste management at all
    At the barangay level in different towns
    Of Pampanga as what she so dearly mentioned.

    “Katuwang din namin kayo sa marapat
    Na pagkolekta ng ano pa mang kalat,
    Liban sa pagsupo sa kriminalidad,
    Na kabilang sa ‘ting unang prayoridad”.

    At sa welcome remarks sa naturang grupo
    Ni Senior Superintendent Edgar Tinio,
    He acknowledged what has been contributed to
    By said junkshop owners on the very issue.

    “Since crime prevention is everybody’s concern”,
    Tinio said before the Kapampangan audience,
    “Umaasa tayong lahat ng Kabalen
    Ay makatuwang sa paglaban sa krimen”.
     
    He also reminded that all operators
    Of junkshops proven buying stolen cables,
    Will also be charged for unfair competition
    And/or anti-fencing which is punishable!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here