Ang mga sumuko ay mula sa 18 barangay ng San Marcelino na gustong makamit ang pagbabago mula sa masamang bisyo.
Ayon kay San Marcelino deputy chief of police Senior Inspector Janice Piga, ang pagbabago ay hindi lamang sa isip kundi sa puso.
Sa kanyang inspirational message, sinabi ni Rev. Rolando de Guzman ng Iglesia Filipina Independiente na ang buhay ay kaloob ng Diyos, nakakalimutan ng tao na may nagbigay sa kanya ng buhay at hindi nilikha ng Diyos amg tao para sa ikasisira nito.
“Binigyan tayo ng Diyos ng pangalawang pagkakataon para magbagong buhay hindi pa ito katapusan ng paglalabay ito ay para sa pagbabago ng bawat isa,” ani De Guzman.
Suportado naman ni San Marcelino Mayor Elvis Soria ang kampanya ng PNP kontra droga sa pamunuan ng Pangulong Duterte at aniya dito nabuksan at namulat ang komunidad na dapat tigilan na ang ganitong masamang gawain at gawing priority ang paginhawa ng buhay.
Payo ni Soria, “magbago na kayo at huwag na natin ibalik ang dating bisyo lahat ng bagay may kaakibat na paghihirap at sa kabilang banda may kapalit itong kaginhawaan sa buhay”.
Sinabi naman ni acting Zambales provincial director Senior Supt. Christopher J. Mateo na sa loob ng isang buwan at dalawang linggo sa kanyang puwesto ay may 3,900 na ang mga nagsipagsuko sa tulong ng mga lokal na opisyal ng lalawigan at ikinatutuwa nito na mayroon tumutugon sa panawagan ng pagbabago.
Panawagan ni Mateo sa mga pushers na tigilan na ang masamang gawain at kapag hindi sila sumunod ay matutulad sila sa iba pang drug personalities na matapos sumuko ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang illegal activities.
Pansamantalang nasa pangangalaga at monitor ng mga opisyal ng barangay ang mga nagsipagsuko habang inaayos pa ng lokal na pamahalaang bayan ang gusali kung saan isasailalim ang mga ito sa rehabilitasyon.
Sinabi naman ni Chief Inspector Richard Fortaleza, hepe ng San Marcelino, sa mga drug surrenderee na ang kanilang pagsuko ay hindi nangangahulugan na ligtas na sila sa gagawing police operations at mahigpit ang gagawin pagmonitor sa mga ito kung may pagbabago.
Saksi sa panunumpa ng pagbabago ang mga opisyal ng barangay at municipal councilors.