Home Headlines 9 na rice mill ikinandado ng Customs, Coast Guard

9 na rice mill ikinandado ng Customs, Coast Guard

1394
0
SHARE

Ang selyo na inilagay ng BOC at PSG sa mga isinarang rice mills. Kuha ni Rommel Ramos


BALAGTAS, Bulacan — Siyam na rice mill sa Intercity sa bayang ito ang ipinasara ng Bureau of Customs at Philippine Coast Guard matapos na hindi makapagpakita ng mga kaukulang dokumento ng mga imported na bigas.

Sa bisa ng letter of authority ay pinasok ng 56 na miyembro ng nasabing dalawang ahensya ang Intercity kung saan ay siyam na ricemill ang hindi nakapagpakita ng accreditation, proof of payment of imported goods/rice, import entry, invoice and packing list of imported rice, statement of settlement of duties and taxes at iba pang kaukulang dokumento na makapagpapatunay na legal ang pagpapapasok ng mga ito ng imported na bigas.

Pansamantalang tigil muna ang operasyon ng RZM Rice Mill extension, M-Cycle 2 Rice Mill, ASP Rice Mill, JSP Rice Mill, Don Erick Rice Mill, NSP Rice Mill, Camille Rice Mill, TL5 Rice Mill, at Dynasty Rice Mill hanggat hindi sila nakakapagsumite ng mga hinihinging dokumento ng BOC at PCG.

Depensa naman ni Ronnel Garcia, administrator ng Intercity association, na legal ang lahat ng ipinapasok na bigas ng kanilang mga rice miller at sinisiguro din nila na kumpleto ang mga ito ng mga kaukulang dokumento.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here