LIMAY, Bataan – “Masaya po,” sagot ng bagong kasal na katutubong Aeta nang tanungin kung ano ang nararamdaman nila matapos ikasal sa “binihisang” Limay Sports Complex dito dalawang araw bago sumapit ang Araw ng mga Puso.
Sina Jomar, 43 at Ofelia de Villa, 40, ng Kinaragan, isang Aeta Settlement sa Limay, ay isa sa 87 pares ng mga magsing-irog na ikinasal sa handog na pre-Valentine mass wedding ni Mayor Lilvir Roque sa pakikipagtulungan ng Municipal Civil Registrar sa ilalim ni Thelma Ratonel.
Nakailang ulit at pinakamatagal ang halik na iginawad ni Jomar sa kanyang asawa sa portion na “kiss the bride” habang kalong ng asawa ang kanilang bunsong sanggol.
Ang mag-asawang Aeta tulad ng ibang ikinasal ay matagal ng nagsasama sa iisang bubong ng walang bendisyon ng kasal. Ang mga De Villa ay 21 taong nagsasama na at may pitong anak at isang apo.
Marami umanong nag-apply na mapabilang sa kasalang-bayan subalit naging mahigpit ang mga nangasiwa upang matiyak na walang unang asawang pinakasalan ang mga lumahok.
Kailangang kumuha ng “No Marriage” certificate sa National Census and Statistics Office ang mga nag-aaply, sabi ni Ratonel.
Libre ang marriage license, pagkuha ng “No Marriage” certificate, cake at pagkain. Binigyan pa ni Roque ng tig-iisang kabang bigas at Biblia ang bawat bagong kasal.
Si Gov. Enrique Garcia naman na tumayo bilang isa sa mga ninong ng lahat ng kalahok ay nag-abot ng sobre sa bawat bagong kasal.
Bukod sa sari-sariling mga ninong at ninang, tumayong ninong at ninang ang mag-asawang Mayor Roque at mag-asawang Garcia.
“Magsama kayo ng matapat hanggang kamatayan at huwag kalilimutang lumapit sa Diyos sa anumang suliranin at pagsubok,” payo ni Garcia.
Matapos ang suotan ng singsing, idineklara ni Roque na legal ng mag-asawa ang 87 pares habang masayang nagpalakpakan ang lahat sa loob ng Limay Sports complex na may magandang dekorasyon para sa espesyal na okasyon.
Sumunod ang subuan ng cake at halikan pa rin sa hagikgikan ng mga bagong mag-asawa, ninang, ninong at mga bisita.
Nauna rito, lumakad ang bawat mag-sing-irog sa ilalim ng balloon-decked na arko na ang daang patungo sa stage ay nalalatagan ng alpombra. Halos lahat naka-gown ang mga babae at ang mga lalaki naman kung hindi man barong Tagalog ay pormal naman ang suot.
Nangako si Mayor Roque na may kasunod na kasalang-bayan pang magaganap upang aniya’y matulungang maging legal ang pagsasama ng mga naglilive-in na ayon sa datos ni Ratonel ay marami pa.