Home Headlines 84IB, naghatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga komunidad sa Nueva Ecija

84IB, naghatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga komunidad sa Nueva Ecija

662
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN JOSE (PIA) — May 450 residente sa mga bayan ng Carranglan at Sta. Rosa ang nakatanggap ng libreng serbisyong pangkalusugan mula sa magkahiwalay na medical mission sa Nueva Ecija.

Ito ay sa pangunguna ng 84 Infantry Battalion (84IB) ng Philippine Army.

Ayon kay 84IB Commanding Officer Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto, laging nakasuporta ang buong hanay sa mga programang inilulunsad ng mga lokal na pamahalaan, pribadong tanggapan at iba pang mga katuwang na ahensya na may layuning makatulong sa mga komunidad.

Naghatid ng serbisyong medikal ang pamahalaang bayan ng Carranglan sa mga nasasakupang mamamayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-11 Gintong Butil Festival.

Tumutulong ang mga kasundaluhan ng 84th Infantry Battalion sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo at programa ng mga katuwang na ahensya, lokal na pamahalaan at pribadong tanggapan na may layuning makatulong sa mga mamamayan. (84th Infantry Battalion)

Sa pagdaraos ng naturang aktibidad ay nakipatulungang ang pamahalaang lokal sa mga kasundaluhan ng 84IB at Beta Sigma Fraternity Nueva Ecija North.

Tumulong din ang mga kasundaluhan sa paghahatid ng mga serbisyong medikal, dental at feeding program sa mga residente ng barangay Gomez sa bayan ng Sta. Rosa.

Ito ay programang pinangasiwaan ng Sta. Rosa Masonic Lodge No. 297 na kung saan katuwang din ang Fort Magsaysay Station Hospital. (CLJD/CCN-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here