Home Headlines 81 alagang baboy ibinaon sa lupa matapos makitaan ng panghihina

81 alagang baboy ibinaon sa lupa matapos makitaan ng panghihina

1521
0
SHARE

(Photo courtesy of Guiguinto Municipal Veterinary Office)

GUIGUINTO, Bulacan — Sumailalim sa culling ang 81 baboy sa Barangay Pritil mula sa mga backyard hog raisers dito matapos makitaan ng panghihina ng nakaraang linggo.

Ayon kay Guiguinto municipal veterinarian Dr. Eduardo Jose, hindi makakain at nakitaan ng rashes o hemorrhagic signs ang mga alagang baboy dito na pawang mga sintomas ng hog cholera at African Swine Fever.

Kayat kinuha ang mga naturang baboy mula noong nakaraang Sabado hanggang Miyerkules at kinuhanan ng mga blood samples bago ibinaon sa lupa.

Ayon kay Jose, sasailalim pa sa confirmatory test ang dugo ng mga baboy dahil halos magkapareho ang mga sintomas ng hog cholera at ASF at sa ibang bansa pa dadalhin ang mga blood samples para sa pagsusuri.

Binayaran ng P3,500 hanggang P10,000 ang halaga kada ulo ng mga pinatay na baboy.

Sa ngayon ay ipinagbabawal muna ang pagpasok ng mga baboy sa barangay ng Pritil hanggat walang resulta ang pagsusuri. Bago muling payagan na makapag-alaga dito ng mga baboy ay dadaan pa ito sa proseso at sisiguruhin na hindi na ito makikitaan ng anumang sintomas ng pagkakasakit.

Iniinda naman ng mga byahero ng baboy sa naturang lugar ang pagkakatigil sa kanilang hanapbuhay. Maghahanap muna daw sila ng alternatibong pagkakakitaan hanggat hindi naibabalik sa normal ang pag-aalaga nila ng baboy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here