Home Headlines 80% ng aanihing palay nasira ni Paeng

80% ng aanihing palay nasira ni Paeng

565
0
SHARE
Ang mga pangulo ng ibat-ibang samahan ng magsasaka (mula sa kaliwa) na sina Rogaciano Dela Cruz, Magno Ramos, Renato Dela Cruz, at Melencio Domingo nang magtungo sa lokal na pamahalaan ng Malolos para humiling ng tulong para muling makapagtanim sa kabila ng pinsala ng Bagyong Paeng. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS —- Nasa 80% ng aanihin na sanang tanim na palay ng mga magsasaka sa naturang lungsod ang nasira ng nagdaang Bagyong Paeng.

Pero ang mga natitirang 20% na nakatindig na mga palay ay balak na lang ng mga magsasaka na araruhin dahil hindi na rin naman daw ito maaani pa at nais nilang samantalahin ang tubig sa palayan para makatipid man lang sa land preparation ng susunod na taniman.

Ayon sa mga magsasaka, malaki ang kanilang panghihinayang na dapat ay aanihin na nila ngayong Nobyembre ang kanilang palay.

Samantala, batay sa ulat ng Malolos City Agriculture Office, nasira ni Paeng ang 941 ektarya ng palayan sa kabuuang 1,125 ektarya ng sakahan dito.

Batay sa inisyal na ulat, umabot ang halaga ng pinsala sa palayan ng P44 million. 

Habang ang napinsala naman sa pangisdaan ay 146 ektarya na aabot sa P18 million halaga ng bangus, tilapia, at sugpo.

Kabuuang 795 fish farmers at 20 fishpond operators ang apektado ng pagkalugi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here