Home Headlines 80 juvenile offenders, 9 social workers, 6 guards sa reform facility positibo...

80 juvenile offenders, 9 social workers, 6 guards sa reform facility positibo sa Covid

861
0
SHARE

Ang juvenile reformation facility Bahay Tanglaw Pag-asa. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS —
Nagpositibo sa Covid-19 ang 80 children in conflict with the law na nasa Bahay Tanglaw Pag-asa sa Bulacan Provincial Capitol Compound at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Habang siyam na social workers at anim na jail guards dito ang nagpositibo din sa naturang sakit.

Ayon sa ulat ng Bulacan Medical Center (BMC), naka-hard lockdown ngayon ang nasabing juvenile reformation and correctional facility.

Napag-alaman na nahawa ang mga ito sa isang kawani ng provincial social welfare and development office na unang nagpositibo sa virus noong Marso 26, matapos dumalo sa isang birthday party.

Ayon pa sa report, sunod-sunod na nagkaroon ng sintomas na ubo at lagnat ang mga kabataan hanggang pati ang mga staff at jail guards ay nahawa na rin.

Ayon sa BMC, natapos na ang 14-day quarantine ng mga ito subalit minabuti nila na paabutin pa ng hanggang 21 araw ang quarantine period para masiguro na ligtas na ang mga ito sa virus.

Samantala, ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan na nananatili pa rin na mataas ang recovery rate ng Bulacan na nasa 78 percent matapos maitala ang 15,891 recoveries sa 20,139 na confirmed cases ng Covid-19 sa lalawigan. 

Higit na mas mataas daw ito sa 19 percent o 3,707 na kasalukuyang hindi pa gumagaling sa sakit habang nakapagtala naman ang Bulacan ng 3 percent na kabuuang 541 na namatay dahil sa nasabing sakit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here