8 SUGATAN
    6-wheeler truck nawalan ng preno, pahinante patay

    492
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG OLONGAPO – Patay ang isang pahinante, habang walo katao naman ang sugatan ng mawalan ng preno ang isang 6-wheeler truck habang binabagtas ang kahabaan ng National Highway sa Barangay Old Cabalan sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang nasawing si Joel Dela Guia, 30-anyos ng Hagonoy, Bulacan.

    Isinugod naman sa James Gordon Memorial Hospital bunga ng mga tinamong sugat sa katawan ang mga biktimang sina Christopher Pepito, 23; Richard Aguilar, 32; Eugene Aguilar, 54, driver ng truck pawang mga taga Hagonoy, Bulacan.

    Sugatan din sina Poriano Rosete, 65; Nicolas Facundo, 39; Nixon Facundo, 8; Maritess Facundo at Maryjoy Inong, 1; pawang mga taga old Cabalan. Sila ay nasa waiting shed habang naghihintay ng masasakyan.

    Ang mga sugatan ay kaagad namang pinauwi sa kanilang mga bahay matapos na lapatan ng kaukulang lunas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here