OLONGAPO CITY – Isang contractual worker ng Hnajin Heavy Industries Company, Ltd., sa Redondo Peninsula sa Sitio Agusuhin, Barangay Cawag, Subic, Zambales ang nahuli kamakailan.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Christopher Tambungan, police city director, kinilala ang suspek na si Jaime Paut, 34, tubong Kalinga Apayao, pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Balaybay, Castillejos, Zambales at welder ng Sitiko company, isang Sub-contractor ng Hanjin.
Si Paut ay dinakip ng pulisya sa isinagawang follow-up operation sakay ng Victory Bus No. 1021 patungo ng Iba, Zambales matapos itong itinuro sa nauna nitong pinagdalhan ng apat na bricks ng marijuana na tumitimbang ng apat na kilo sa 23rd Street, Barangay West Bajac-Bajac, dito kung saan narekober ang may P30,000 boodle money.
Nakuha pa sa pag-iingat ng suspek ang apat pang bricks ng marijuana na tumitimbang ng apat na kilo na nakalagay sa loob ng back pack habang ito ay nakasakay ng bus.
Ang suspek ay nahuli sa pinagsanib na pwersa ng City Anti Illegal Drug Special Operation Team at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa loob ng pampasaherong bus patungo ng Iba, Zambales.
Ang suspect ay nasa custody ng Olongapo City PNP at ipinagharap na ng kasong transporting of illgal drugs.