Home Headlines 779,569 Bulakenyo nabakunahan na

779,569 Bulakenyo nabakunahan na

541
0
SHARE

Larawang kuha ng Bulacan PPAO


 

LUNGSOD NG MALOLOS — May 779,569 Bulakenyo na ang tumanggap ng bakuna laban sa Covid-19 kung saan 388,272 ang nakakumpleto na ng dalawang doses.

Ayon kay provincial health office spokesperson Patricia Alvaro, pinakamaraming nabakunahan ang mga nasa A2 priority o mga senior citizens kung saan nasa 153,584 ang fully vaccinated habang 128,104 ang nakatamo na ng unang dose.

Sinusundan ito ng A3 priority group o mga indibidwal na may comorbidities kung saan 131,402 ang nakakumpleto ng bakuna habang 100,144 ang may unang dose na.

Para sa A4 priority group naman o mga economic workers, 56,426 ang kumpleto na sa dalawang doses habang 118,740 ang naturukan na ng unang dose.

Samantala, 45,292 sa mga nasa A1 priority group o mga healthcare workers ay fully vaccinated na habang 43,809 ang mayroon nang unang dose.

Bahagyang nakapagsimula na rin sa Bulacan na mabakunahan ang mga nasa A5 priority group o mga indigent kung saan 1,568 ang fully vaccinated habang 500 ang may unang dose na.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Gobernador Daniel Fernando na ang pinakamabisa pa ring panlaban sa iba’t ibang variants ng Covid-19 ay ang pagkakaroon ng kumpletong doses ng bakuna.

Kaya’t muli niyang pinanawagan sa mga Bulakenyo na basta’t dumating ang schedule ay magpabakuna na, at huwag hindi babalik sa itinakdang araw para sa ikalawang dose.

Para naman sa mga hindi pa nakakapagparehistro, matatagpuan sa www.covid19updates.bulacan.gov.ph na website na binuo ng Bulacan State University External Campuses ang mga registration link para sa COVID-19 Vaccination Program ng mga bayan at lungsod sa lalawigan. —Shane F. Velasco/PIA-3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here