Home Headlines 7,684 magsasakang Bulakenyo, tumanggap ng ayuda mula sa DA

7,684 magsasakang Bulakenyo, tumanggap ng ayuda mula sa DA

440
0
SHARE
Si Gobernador Daniel R. Fernando (pang-apat mula kaliwa) kasama si Bise Gobernador Alexis Castro sa ginawang pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka sa lalawigan sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund - Rice Farmer Financial Assistance ng Department of Agriculutre. (PPAO)

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — May 7,684 magsasakang Bulakenyo ang tumanggap ng tig limang libong pisong ayuda mula sa Department of Agriculture.

Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmer Financial Assistance.

Ayon kay Provincial Agriculture Office Head Gloria Carrillo, nakipag-ugnayan ang ahensya sa Kapitolyo sa pagtukoy sa mga magsasakang benepisyaryo na nawalan ng kita sanhi ng pagbaba ng presyo ng palay, pagtaas ng presyo ng mga pataba o fertilizer at iba pang farm inputs.

Kabilang sa nabigyan ng ayuda ang may 1,803 magsasaka mula sa bayan ng Bulakan, Calumpit, Paombong, Pulilan, Hagonoy at Lungsod ng Malolos na nasa unang distrito ng lalawigan.

Nasa 1,496 mula sa bayan ng Plaridel, Baliwag, Bustos, Pandi, Guiguinto, Bocaue, at Balagtas ang tumanggap ngayong araw habang nasa kabuuang 3,500 benepisyaryo mula sa San Miguel, Doña Remedios Trinidad, San Rafael, at San Ildefonso sa Setyembre 14.

Aabot naman 885 benepisyaryo ang magmumula sa mga bayan ng Santa Maria, Angat, Norzagaray, Marilao, at mga lungsod ng Meycauayan at San Jose del Monte.

Ang bilang na ito ay karagdagan sa 19,588 benepisyaryo sa lalawigan na tumanggap ng kahalintulad ng benepisyo noong Pebrero 10 hanggang 26, 2022.

Sa isang panayam, muling binanggit ni Gobernador Daniel Fernando ang mga nakalinyang proyekto ng pamahalaang panlalawigan para umagapay sa mga Bulakenyong magsasaka.

Kabilang dito ang Farmers Training Center, Bulacan Multiplier and Breeding Center sa Doña Remedios Trinidad, at ang sariling produksyon ng lalawigan ng vermicompost sa Farmers Productivity Center.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here