Mayor Rolen Paulino, Jr and Mayorable Priscilla Ponge
LUNGSOD NG OLONGAPO — Umabot sa 75 ang nagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa tanggapan ng Commission on Election dito.
Sa kabuuang bilang, anim ang kakandidato sa pagka-mayors, lima sa vice mayor, at 64 sa pagka-konsehal.
Makakalaban sa pagka-alkalde ang reelectionist na si Mayor Rolen Paulino, Jr. ng Nacionalista Party; ang dating vice governor ng Zambales na si Anne Marie Gordon, asawa ng yumaong dating Mayor James “Bong” Gordon ng Liberal Party; Priscilla “Echie” Ponge ng Aksyon Demokratiko; Rolando Vegafria ng Partido Democratiko Pilipino-Lakas ng Bayan; Apolonio Cunanan na independent; at Delfin Preil Pradas ng Partido Federal ng Pilipinas.
Sa pagka vice mayor, magkakatunggali naman sina Jong Cortez, independent; Jacinto “Jack” Gardon ng Partido ng Pilipinas; Arthur Santiago, independent; Prudencio Bruel Jalandoni ng Liberal Party; at Lester Castro Nadong ng Partido Democratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Walang nagsumeting vice mayor na ka-tandem ni Mayor Paulino.
May 64 naman ang maglaban-laban sa sanguniang panglungsod, kabilang na dito ng mga reelectionist na sina Tata Paulino, kapatid ni Mayor Paulino; Lugie Lipumano; at Jerome Bacay.
Tatakbo din sa pagka-city councilor ng lungsod ang artistang si Claudine Barretto.