7 huli sa drug ops

    321
    0
    SHARE
    SAN MARCELINO, Zambales — Pito katao na nasa drug watchlist ng Zambales PNP ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na drug operation sa bayan ng San Marcelino at Subic pawang sa lalawigan ng Zambales.

    Kinilala ni Senior Inspector Geoffrey Javier, hepe ng San Marcelino Police Station, ang mga suspek na sina Arlan Manuel, 40, ng Sitio Nagsabong, Barangay Linasin; Michael Ragat, 32, ng Barangay Consuelo Sur, at June Mar Manuel, 35, ng Barangay Consuelo Norte, pawang sa bayan ng San Marcelino.

    Si Arlan Manuel ay huli matapos na magbenta ng plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500.

    Naaktuhan din ng mga pulis sakay ng single motorcycle sina June Mar Manuel at Michael Ragat na bumibili ng shabu kay Manuel sa halagang P500.

    Batay sa rekord ng pulisya taong 2000 nang unang mahuli si Manuel sa kasong pag-iingat ng ipinagbabawal na droga.

    Sa Subic, Zambales, arestado si Reynaldo Nazareno, 44, alyas Rey Manok ng Purok 6-A, Barangay Calapacuan matapos magbenta ng plastic sachet ng shabu sa halagang P500 at nakuha pa sa pag-iingat nito ang dalawang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000 at ibatibang drug paraphernalia.

    Huli naman na nagpo-pot session sa loob ng bahay ni Rey Manok sina Arthur Wilson, 43, Edwin Armino, 37, at Annie Jurado, 31, pawang mga taga Barangay Calapacuan.

    Ang mga suspek ay ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here