HERMOSA, Bataan – Hindi rin pinatawad ni Ondoy ang pitong barangay sa dalawang bayan ng Bataan na pinalubog nito sa tubig-baha ng mula binti hanggang dibdib ang lalim noong Linggo.
Upang marating ang Almacen at Pulo, kailangang sumakay ng bangka o bangkang de motor upang marating ng mga residente ang nasabing dalawang barangay ng Hermosa na hanggang dibdib ang tubig. Hindi nalilimutan ng mga tao ang kanilang panabong na manok na himas-himas pa kahit bumabaha na.
Sa Daungan, isa pang barangay ng Hermosa kung saan nakaparada ang mga bangka ay hanggang tuhod naman ang tubig. Sa A. Rivera sa Hermosa rin, hanggang tuhod din ang baha.
Ang lupang taniman ng palay sa Layac, bayan ng Dinalupihan, ay nagmistulang dagat naman sa lawak at lalim ng tubig. Ang mga kabahayan man ay pinasok din ng tubig na ang lalim ay halos hanggang beywang.
Sa A. Mabini Extension, isang barangay pa rin ng Dinalupihan na nasa mismong kabayanan ay lampas binti ang lalim ng tubig.
Ang Sta. Isabel Elementary School at Day Care Center dito ay lubog din sa tubig. Ang peryahan man sa gitna ng plaza ng barangay ay tila lumalangoy sa tubig.
Ayon kay Naneth Jaring, municipal social worker ng Hermosa, may 2,335 pamilya ang apektado ng baha sa apat na barangay. Naghahanda na umano sila ng relief goods para sa may mahigit na 10,000 tao sa utos ni Mayor Efren Cruz, Jr.
Sa Samal, Bataan naman ay lumugmok ang ilang puno ng saging dahil sa hagupit ni Ondoy.