7 arestado sa drug raid sa Subic

    727
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales – Pito katao ang dinakip ng mga tauhan ng Subic police sa isinagawang magkakasunod na drug operation sa Barangay Matain at Barangay Calapacuan ng nasabing bayan.

    Kinilala  ni Police Chief Inspector Anel Dial, hepe ng Subic police ang  suspek na si Abdul Rajak Jupiter, 40, alyas “Bagie” at residente ng Purok 1, Barangay Matain.

    Ayon sa ulat, bandang 10:15 ng gabi ng magsagawa ng buy bust operation ang team na pinamunuan ni Inspector Ramil Menor at nahuli ang suspek sa aktong nagbebenta ng shabu sa isang police asset sa halagang P500.00.

    Naaresto din sina Guillermo Pepa, 29, Alex Predas, 42, residente ng nabanggit na lugar at Ramon Torres, 28, at residente ng Gabaya St., Barangay Barretto, Olongapo City na nagpo-pot session sa loob ng bahay ni Jupiter.

    Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang ibat-ibang drug paraphernalia, sachet ng shabu at mark money na nagkakahalaga ng P500.00.

    Sa Barangay Calapacuan, bandang alas 12:00 ng tanghali ng nahulog naman sa bitag ng pulisya ang mga suspek na sina Wilmer Gonzales, 25, ng Purok 3-A, Manangan St., Kalye Bulag; Angel Arpilleda, 26, ng Purok 3, Sitio Tahimik, pawang taga Barangay Calapacuan at Enrico Reyes, 43, ng Purok 4, Barangay Matain, ng naturang bayan matapos na magbenta ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500.

    Narekober din sa pag-iingat ng mga suspek ang ilang sachet ng shabu, mga shabu residue at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11, 12 at 15, Article ll ng Republic Act 9165 habang ang mga ito ay detinido sa Subic PNP jail.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here