Home Headlines 690 San Joseño nabigyan ng Serbisyong Pangkalusugan sa Bulacan PhilHealth Konsulta Caravan

690 San Joseño nabigyan ng Serbisyong Pangkalusugan sa Bulacan PhilHealth Konsulta Caravan

527
0
SHARE

Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan – 690 San Joseño ang nabigyan ng Serbisyong Pangkalusugan sa Bulacan PhilHealth Konsulta Caravan noong ika-27 ng Pebrero 2024 na ginanap sa City Sports Complex, Brgy. Minuyan Proper, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. Pinangunahan ni Cong. Florida “Ate Rida” P. Robes, Department of Health (DOH) Regional Director Corazon I. Flores, PhilHealth Region III-B Acting Branch Manager Arlan M. Granali, City Health Officer Dr. Roselle Tolentin0, PhilHealth Sta. Maria Head Placido Mallari, at SM Foundation ang mga programang pangkalusugan, PhilHealth Konsulta, at medical mission sa araw na ito upang masegurong lahat ay marerehistro sa PhilHealth, maa-assign sa Konsulta provider, mako-konsulta, diagnostic, at makakatanggap ng mga gamot na kailangan.

Ang mga programang pangkalusugan ay buong pusong sinusuportahan din ni Mayor Arthur Robes, kung saan ibinahagi ni Cong. Rida Robes at Dr. Tolentino na katuwang ang lokal na pamahalaan, DOH, PhilHealth, DSWD, health care providers, at mga barangay health workers (BHW), lahat ng pamilya at tahanan sa bawat barangay ay pinupuntahan at sinisegurong marehistro lahat sa PhilHealth, mai-assign sa Konsulta provider, at maisama sa mga medical mission at mga programang pangkalusugan ng lungsod.

 Kasama sa mga mga programang pangkalusugan at social services sa araw na ito ay ang libreng medikal na konsultasyon, diagnostic (bone density scan, ECG, Chest X-ray, clinical chemistries, hemoglobin testing), mga gamot, health kit, dental services, PhilHealth registration, ID at Member Data Record (MDR), Konsulta assignment, birth certification, PSA national ID, at financial assistance.

Ayon kay PhilHealth Acting Branch Manager Granali, tuluy-tuloy ang mas pinalawak at mga bagong benepisyong pangkalusugan mula sa PhilHealth alinsunod sa mga programa ng pamahalaan at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Layunin ng mga programa ng PhilHealth at pamahalaan, katuwang ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno na iparamdam ang pag-aalaga at mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan. Ang PhilHealth Konsulta Caravan sa mga siyudad at bayan ay bahagi rin ng paggunita sa ika-29 na Anibersaryo ng PhilHealth sa taong ito na may temang “Damang-dama ko ang Benepisyo”.

Aktibo ring nakilahok at nagbigay serbisyo sa mga San Joseño sa araw na ito ang mga pamahalaang barangay ng Lungsod sa San Jose Del Monte, gayundin sina DOH Management Development Officer Clarita G. Alviar, PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) Malolos Head Zenaida Dela Vega, LHIO Gapan Head Angelito Creencia, LHIO Cabanatuan Head Marvy Robledo, LHIO Baler Head Grace Aquino, Benefit Administration Section B Head Dr. Liza Magno, Membership Section B Head Michael M. Maglanque, Public Affairs Unit Head Monifer S. Bansil, Planning and Member Manegement Section Head Annielyn Paule, Francis Estrella ng Office of the Vice President for PRO III, at support team mula sa LHIO Sta. Maria, LHIO Malolos, Membership Section-B at Public Affairs Unit.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here