Home Headlines 66 magsasaka sa Bulacan, tumanggap ng free range na manok

66 magsasaka sa Bulacan, tumanggap ng free range na manok

674
0
SHARE

May 66 na magsasaka sa Bulacan ang pinagkalooban ng free range na manok ng Provincial Veterinary Office. (PPAO)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — May 66 na magsasaka sa Bulacan ang pinagkalooban ng free range na manok ng Provincial Veterinary Office.

Ito ay sa pagkikipagtulungan ng Department of Agriculture o DA sa ilalim ng animal distribution program ng pamahalaan panlalwigan.

May kabuuang 462 manok ang ipinamahagi kung saan 212 ang mula sa DA habang ang 250 ay nanggaling naman sa sariling bukid ni Gobernador Daniel Fernando.

Ayon kay Fernando, ang pagkakaloob ng mga manok sa mga magsasaka sa lalawigan ay bahagi ng recovery program ng kapitolyo upang patuloy na magkaroon ng hanapbuhay ang mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Fabian, Jolina at Maring noong 2021.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa Plaridel, Marilao, Santa Maria, Angat, Malolos, Bulakan, San Rafael, San Ildefonso, Obando, Meycauayan, Guiguinto, at Norzagaray.

Ibinalita rin ng gobernador sa mga magsasakang benepisyaryo na nagsisimula na ang konstruksyon ng Farmer Training School sa compound ng Kapitolyo.

Itatayo rin ang Farmers Productivity Multiplier and Breeding Center. (CLJD/VFC-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here