LUNGSOD NG BALANGA – Anim napu’t tatlong pasyente na may cleft lip at cleft palate ang nabiyayaan ng libreng operasyon sa ginanap na gamutan noong Sabado at Linggo sa Bataan General Hospital sa Balanga City.
Karamihan sa mga pasyenteng bingot at ngo-ngo ay sanggol pa ngunit meron ding mga binatilyo at dalagita at ang ilan ay may mga asawa na.
Isang 23-taong gulang na babae na may asawa na ang may ngiti sa labing nagsabi na sa susunod na araw ay maganda na siya.
May isang ina na dating may cleft lip ang nagsabing tinutukso siya ng mga kapwa bata noon kaya napa-opera siya. Ayaw umano niyang maranasan din ng anak niya ang panunuksong naranasan niya kaya paooperahan din niya ang anak na may cleft palate.
Ang libreng operasyon ay handog ni Gov. Enrique Garcia at mga anak na sina Balanga City Mayor Jose Enrique Garcia III at Congressman Albert Garcia.