Home Headlines 620 trabaho para sa mga kababaihan, binuksan ng PYSPESO sa Bulacan

620 trabaho para sa mga kababaihan, binuksan ng PYSPESO sa Bulacan

371
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — Nagbukas ng 620 trabaho na partikular para sa mga kababaihang manggagawa ang Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office o PYPESO sa Bulacan.

Bahagi ito ng mga ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan kung saan nasa 13 employer ang lumahok kung saan 116 ang mga Hired On The Spot.

Sinabi ni PYPESO Head Kenneth Ocampo-Lantin na bagama’t tapos na ang naturang Jobs Fair, nananatili namang bukas ang 504 pang mga trabaho hangga’t wala pang natatanggap dito.

Umabot sa 620 trabaho para sa mga kababaihan ang binuksan sa ginanap na Jobs Fair kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na inorganisa ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office. Nasa 116 ang agad na natanggap habang nananatiling bukas ang 504 pang mga trabaho para sa mga kababaihang kwalipikado sa mga iniaalok na trabaho. (Shane F. Velasco/PIA 3)

Kailangan lamang magsumite ng aplikasyon sa PYPESO na nasa Blas Ople Livelihood Center sa Capitol compound sa lungsod ng Malolos.

Kabilang sa mga binuksang trabaho ay mula sa sektor ng agribusiness, food, retail, manufacturing, at beauty and wellness.

Mayroon din sa finance, information technology, advertising at sa human resources management. (CLJD/SFV-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here