6 timbog sa pagtatapon sa kalsada ng dumi ng preso

    273
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Anim na katao ang inaresto habang kinumpiska ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang dalawang truck na ginagamit sa poso negro excavation matapos mahuli ang mga ito ng aktwal na pagtatapon sa kalsada ng Bulihan at Longos ng dumi ng mga tao mula sa Bulacan Provincial Jail.

    Ayon kay Malolos City Mayor Christian Natividad, nakatanggap sila ng reklamo ng mabahong amoy sa paligid ng Malolos City Sports and Convention Center sa Barangay Bulihan sa kahabaan ng MacArthur Highway.

    Dahil dito, nagkasa sila ng operasyon laban sa mga suspek kung saan naaktuhan nila ang mga ito ng pagtatapon ng dumi ng mga tao.

    Ayon kay Natividad, tumatagal lamang ng hanggang limang minuto para maitapon sa drainage system ng kalsada ang mga dumi ng tao mula sa septic tank.

    Tatlo sa anim na mga suspek ang kinilala na sina Emmanuel Paharis, Rommel Corbito at Norberto Velascohabang hindi pa napapangalanan ang iba pa.

    Ayon sa mga suspek, sila ay mga trabahador mula sa MMRC poso negro excavation.

    Ang mga suspek ay nakaditene ngayon sa Malolos City Jail at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9275 o ang Philippine Clean Water Act, PD 825 o illegal dumping law at PD 856 Code on Sanitation of the Philippines.

    Maging ang may-ari ng MMRC ay sasampahan din ng reklamo habang naka-impound na ang dalawang truck ng naturang kumpanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here