6 huli sa illegal logging

    460
    0
    SHARE

    CANDELARIA, Zambales – Anim katao ang dinakip ng mga tauhan ng Candelaria Municipal Police Station nang kanilang masabat ang isang Elf truck na naglalaman ng ibat-ibang uri ng nilagaring kahoy sa Barangay Pinagrealan sa bayang ito.

    Kinilala ni Inspector Ramil Menor, hepe ng Candelaria Police Station, ang mga suspek na sina Ariel Velano, 32, driver ng Elf truck (ZBU-340); Erlo Landingin, 23, Erwin Billempo, 34, Juanito Caranay, 24, Isagani Barrientos, 33, pawang magsasaka at residente  ng Barangay Ihobol, Masinloc; at Rogelio Garciadas, 50, residente  ng  Barangay Pinagrealan, Candelaria.

    Ayon sa imbestigasyon, si Garciadas ang nagsilbing look out at middle man ng nasabing illegal transaction.

    Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang may 560 board feet ng ibat-ibang uri ng nilagaring kahoy na nagkakahalaga ng P25,200.

    Nabatid sa ulat na ang Izuzu Elf Truck ay naka-rehistro sa pangalan ng United Paramount Corporation sa No. 89 Scout Rallos Street, Quezon City.

    Ang mga nahuling illegal na kahoy at mga suspek ay nasa custody ng Candelaria PNP at ipaghaharap sa kasong paglabag sa PD 705 (illegal logging).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here