Home Headlines 6 bahay ninakawan sa loob ng magdamag

6 bahay ninakawan sa loob ng magdamag

1266
0
SHARE

Daan ng kawatan. Itinuturo ni Liezel Chico ang bintana ng kanilang bahay kung saan dumaan ang mga salarin para magnakaw. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG MALOLOS 
— Anim na bahay ang ninakawan at dalawa pa ang nabigong pasukin ng mga kawatan sa loob lamang ng magdamag sa Barangay Look 1st dito.

Ang mga hindi nakilalang mga salarin ay pawang mga nakasuot daw ng bonnet nang maganap ang krimen nitong Biyernes ng gabi.

Natangay sa mga biktima ang cash at mga ari-arian na tinatayang nasa mahigit P100,000 kung pagsasama-samahin.

Ayon sa isa sa mga nabiktima na si Sheryl Amor, nasa pagitan ng ala-1 at alas-2 ng madaling araw nang pasukin ang kaniyang tindahan sa bahay ng hindi nakikilalang salarin.

Ani Amor, sa bubungan dumaan ang kawatan at sinira ang kisame. Mga pake-paketeng sigarilyo, mga alak, de lata, lighter at P20,000 cash and nakuha, dagdag pa niya.

Gayon din ang biktimang si Liezel Chico na natangayan ng dalawang cellphone at cash na nasa loob ng kanilang kwarto malapit sa paanan nila habang natutulog.

Aniya pa, sa likod bahay dumaan ang magnanakaw at gumamit pa ito ng upuan upang maabot ang bintana at doon na nga ito pumasok.

Isa pa sa napaulat na nilooban ay ang isang babaeng senior citizen na nakuha pang tumalon sa bintana dahil sa takot daw sa mga kawatan na mabuti namang hindi nasaktan.

Ayon naman kay barangay kagawad Rodel Adriano, dahil sa insidenteng ito ay magsasagawa sila ng pagroronda at magsasagawa ng Oplan Sita sa paligid ng barangay.

Aminado siya na hindi nakuhanan ng video ang mga lugar na ninakawan dahil sira ang kanilang CCTV.

Dahil sa insidente ay agad daw nilang ipakukumpuni ang mga CCTV camera sa paligid ng barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here