Ayon kay SFO1 Salvador Bernabe III, Mariveles Bureau of Fire operations officer, nasunog ang anim na bahay at nag-iwan ng tinatayang pinsala na halagang P250,000.
“Nagsimula ang sunog dahil sa naiwang may sinding kandila na gamit ng isang bahay dahil wala itong kuryente,” sabi ng fire officer. Wala naman umanong nasaktan sa apoy na nagsimula ng ala-1:20 ng madaling araw.
Apat na firetrucks, aniya, ang rumisponde. Lubusang naapula ang apoy alas-2:30 ng madaling araw. “Hindi agad naapula ang sunog dahil sa gipit, masikip ang daan na isang eskinita at gawa sa light materials ang mga bahay,” sabi ni Bernabe.
“Wala kaming naisalbang gamit, inuna ko ang aking apo,” sabi ni Josie Baturin.