5th Star Awards for Music

    432
    0
    SHARE

    HANDANG-HANDA na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa pagkakaloob ng karangalan para sa mga natatanging alagad ng musika sa 5th Star Awards for Music na gaganapin sa ika-13 ng Oktubre, 2013, sa Ballroom ng Solaire Resort and Casino, sa lungsod ng Pasay, ganap na ika-6 ng gabi.

    Magsisilbing hosts sina KC Concepcion, Xian Lim, Erich Gonzales at Billy Crawford. Sa Opening Number, magpapakitang gilas sina Gloc 9, Richard Poon, Young JV, Kean Cipriano, Jed Madela at Rico Blanco.

    Ngayong taong ito, ipagkakaloob ang Lifetime Achievement Award kay Freddie Aguilar, at bilang pagpaparangal, maghahandog ng awitin ang Final Four of the Voice of the Philippines na sina Myk, Janice, Klarisse and Mitoy with the special participation of awardee Freddie Aguilar.

    Pararangalan din bilang Icons of Original Pilipino Music sina Imelda Papin, Rey Valera, Rico J. Puno, Dulce at Sampaguita, at magpupugay sa kanila ang mga awitin nina Eric Santos, Sam Concepcion, Rahda, Angeline Quinto,and Vina Morales.

    Isang espesyal na musical number naman ang ihahandog ng Pop Princess na si Sarah Geronimo at Arnel Pineda. Mapapanood ang kabuuan ng PMPC 5th Star Awards for Music sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-20 ng Oktubre, sa ganap na 11:00 ng gabi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here