Home Headlines 588 micro enterprise sa Zambales, tumanggap ng livelihood kit mula sa DTI

588 micro enterprise sa Zambales, tumanggap ng livelihood kit mula sa DTI

449
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO (PIA) — Nasa 588 micro enterprise sa Zambales ang tumanggap ngayong taon ng livelihood kit sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG ng Department of Trade and Industry o DTI.

Hangarin ng PPG na matulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad at maging ng mga biktima ng armadong labanan.

Ayon kay DTI Zambales Business Development Division Chief Marilou Arcega, ang bawat livelihood package ay nagkakahalaga ng sampung libong piso.

Kabilang sa mga ipinamahagi ng kagawaran ang 18 dried fish livelihood package; 36 food processing and arts and crafts; dalawang frozen meat package; pitong meat vending chicken package; 33 refreshment package; at 26 restaurant/carinderia package.

Nasa 588 micro enterprise sa Zambales ang tumanggap ngayong taon ng livelihood kit sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa ng Department of Trade and Industry. (DTI)

May 150 din na tumaggap ng bigasan package, 226 sari-sari store package, isang vulcanizing livelihood package, tatlong welding livelihood package, 43 souvenir package, at 43 wearables package.

Binigyang diin ni Arcega na patuloy ang ginagawang monitoring at evaluation sa mga benepisyaryo upang matiyak kung ito ba ay tagumpay o hindi.

May 32 livelihood kit pa ang nakatakdang ipamahagi ng ahensya ang karagdagang bago matapos ang 2022. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here