Home Headlines 55 MSMEs sa Zambales, benepisyaryo ng NSB ng DTI

55 MSMEs sa Zambales, benepisyaryo ng NSB ng DTI

463
0
SHARE

LUNGSOD NG OLONGAPO (PIA) — May 55 micro, small and medium enterprise o MSME sa Zambales ang tumanggap ngayong taon ng livelihood kit sa ilallim ng Negosyo Serbisyo sa Barangay o NSB ng Department of Trade and Industry o DTI.

Layunin ng NSB na ilapit ang programa ng pamahalaan sa mga MSME at gabayan sila sa pagpapalago ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng iba’t-ibang serbisyo.

Ayon kay DTI Zambales Business Development Division Chief Marilou Arcega, nasa 11 barangay ang nakinabang sa programa kung saan bawat isa ay may limang benepisyaryo ng tulong pangkabuhayan.

May 55 micro, small and medium enterprise sa Zambales ang tumanggap ngayong taon ng livelihood kit sa ilallim ng Negosyo Serbisyo sa Barangay ng Department of Trade and Industry. (DTI)

Kabilang na riyan food processing, sari-sari store, food and beverage, cellphone at vegetable trading, bigasan, at fish and meat vending.

Mayroon din tumanggap ng mangingisda package, sewing, bamboocraft, vulcanizing, carinderia, tailoring, lugawan, upholstery, at boat making.

Ang mga benepisyaryo ay mula sa barangay Sta. Fe sa San Marcelino, barangay East Dirita sa San Antonio, barangay Feria at Sto. Niño sa San Felipe, at barangay Pamatawan sa Subic.

Ang iba ay mula sa barangay Balabay sa Castillejos, barangay Dirita-Baloguen sa Iba, barangay San Vicente sa Palauig, barangay New Kalalake sa Olongapo, at barangay Bangan, at barangay Paco sa Botolan. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here