52 anyos na ‘lolo’ nahaharap

    466
    0
    SHARE
    GAPAN CITY – Isang 52 anyos na lalaki ang sinampahan ng patong-patong na kaso ng pang-gagahasa matapos magreklamo ang tatlong magkakaibang dalagita na umano’y naging biktima nito.

    Ayon kay Senior Insp. Avelina De Guzman, hepe ang Women and Children Protection Desk ng Gapan City police, ang suspek ay nakilalang si Lito Perez, residente ng Barangay Sto. Nino, lungsod na ito.

    Ang mga biktima na nagsampa ng kaso sa tulong ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Gapan at lokal na pulisya ay nagkaka-edad ng mula 11 hanggang 15 taong gulang.

    Sinabi ni De Guzman na batay sa salaysay ng mga biktima, karaniwang magkakasama silang  nanonood ng telebisyon nang isagawa ng suspek ang kahalayan.

    Habang nanonood ng TV, ayon kay De Guzman, tatawagin ni Perez ang isa sa mga biktima at dadalhin sa isang tagong lugar upang doon isakatuparan umano  ang makamundong gawain.

    Nagsimula umano ang makakasunod na panggagahasa ni Perez sa mga dalagita noong Abril at ito’y naganap hanggang Mayo 20, 2009, ayon kay De Guzman.

    May isang pagkakataon pa umano na dalawang magkaibang bata ang hinalay ng suspek sa loob lamang ng isang araw.

    Nabunyag lamang umano ang lihim sa isang kuwentuhan ng magkakaibigan kamakailan, dahilan upang magsampa ng pormal na reklamo sa kinauukulan.

    Sinabi ni De Guzman na umaabot sa pitong bata ang orihinal na nagharap ng reklamo sa kanila ngunit tatlo lamang ang nakapagbalik ng karampatang dokumento tulad ng medical certificate.

    Dalawa rin ang hindi na nagtuloy ng demanda ay lumalabas na biktima ng acts of lasciviousness, dagdag ni De Guzman.

    “Lolo” kung tawagin ng mga biktima ang suspek dahil siya’y may kaugnayan umano sa mga magulang ng ilan sa mga ito, sabi pa ni De Guzman.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here