Home Headlines 50K sisiw, kalabaw, kambing ipinamamahagi sa Bataan

50K sisiw, kalabaw, kambing ipinamamahagi sa Bataan

968
0
SHARE

Inihahanda ang kahon-kahong sisiw na ipamimigay sa mga bayan-bayan. Kuha ni Ernie Esconde



LUNGSOD NG
BALANGA — Nagsimulang mamahagi ng mga sisiw ang Department of Agriculture  sa ibatibang bayan ng Bataan bilang tulong sa naapektuhan ng African swine fever noon at maging ng coronavirus pandemic ngayon, pahayag ng provincial information office nitong Biyernes.

Sinabi ni Angel Oritz Luis, Bataan information officer, pinangunahan ni provincial veterinarian Dr. Albert Venturina ang pamimigay ng mga sisiw na nagsimula sa mga bayan ng Hermosa ng 4,500 sisiw; Samal – 3,000; Mariveles – 1,300; Pilar – 2,000; at Lungsod ng Balanga – 1,300.

Ayon kay Luis, sa Lunes ay itutuloy ang pamamahagi sa iba pang mga bayan sa lalawigan hanggang sa maubos ang 50 libong sisiw na bahagi ng programa ng Agriculture department.

Matatandaan na bago dumating ang Covid19, maraming baboy ang nagkasakit, namatay at kusang pinatay sa lalawigan dahil sa ASF. Kung ang mga checkpoint ngayon ay sa paglaban sa Covid-19, ang mga checkpoint noon ay tungkol sa ASF.

Ayon kay Arlyn Barquin ng provincial information office, depende sa laki ng bakuran at sa kakayahang mag-alaga ang bilang ng ipinagkakaloob na sisiw. May guidelines umanong sinusunod si Dr. Venturina.

Bukod sa sisiw, mamimigay rin ng 90 kalabaw at hindi pa masabing bilang ng kambing at inahing manok, sabi ni Barquin.

Tinatayang mahigit sa limang libong tao ang mabibiyayaan ng tulong.

Ito ay malaking tulong lalo na ngayon na marami sa ating mga kababayan ang nangangailangn dahil sa pandemyang ating kinakaharap, sabi ni Gov. Albert Garcia.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here