Home Headlines 5,000 katao arestado, 88 armas nasamsam sa CL

5,000 katao arestado, 88 armas nasamsam sa CL

797
0
SHARE

Ipinrisinta ng kapulisan sa media ang mga nasamsam na 88 armas sa pagpapatupad ng SACLEO sa Gitnang Luzon. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG SAN FERNANDO —
 Naaresto ng kapulisan sa Gitnang Luzon ang 5,194 indibidwal na sangkot sa ibat-ibang uri ng krimen sa loob ng dalawang linggong implementasyon ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO).

Pinangunahan ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan ang presentasyon sa Camp Olivas sa mga naaresto kabilang ang 63 na mga most wanted persons, 695 na may warrant of arrest sa ibat-ibang krimen, habang 23 naman dahil sa pagpapatupad ng search warrant.

Nasa 827 naman ang naaresto sa ilegal drugs at 3,586 naman ang naaresto sa paglabag sa special laws at local ordinances.

Nakumpiska rin sa operasyon ang nasa 88 na mga ibat-ibang uri ng baril at 2,444 plastic sachet ng shabu at 93 packs at 20 bricks ng marijuana.

Habang aabot sa P722,146 cash naman ang nakumpiska sa anti-illegal gambling operations.

Ayon sa pulisya, lalong pinaigting ang anti-criminality drive at ang anti-insurgency.

Ani Cascolan, lahat ng mga inisyatibo ng gobyerno para masugpo ang ibat-ibang uri ng krimen ay ginagawa ng kapulisan gaya ng paglaban sa iligal na droga.

Aniya, nakatuon pa rin ang kapulisan laban sa ileial na droga at ang mga nakukumpiska ng kapulisan na mga droga matapos ang imbentaryo ay agad nilang itine-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa tamang disposal nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here