5,000 baril sa NE hindi rehistrado

    314
    0
    SHARE

    CABANATUAN CITY – Umaabot sa 5,000 ang mga di-rehistradong baril sa Nueva Ecija, at marami sa mga ito ay posibleng nasa kamay ng private armed groups at grupong kriminal, ayon sa Philippine National Police (PNP).

    Inihayag ni Senior Supt. Crizaldo Nieves, director ng Nueva Ecija police provincial office (NEPPO), ang bilang na ito ng mga loose firearms ay ikalimang bahagi ng kabuuang bilang ng lisensiyadong baril sa lalawigan na nasa 20,000.

    Ngunit mas mababa na ito ng kalahati kumpara sa 10,000 baril noong 2013. Sinabi ni Nieves na ang 5,000 armas ay kumakatawan sa hindi muling-narehistro matapos mapaso ang mga dokumento sa iba’t ibang kadahilanan, kabilang na rito ang pagkamatay ng orihinal na nagmamay-ari.

    “Essentially, when you don’t renew your gun license, then your firearm is considered loose also,” ani Nieves.

    Gayunman, ibinalita ni Nieves na ang Nueva Ecija ang nakapagtala ng pinakamaraming naitalang armas mula Enero hanggang Disyembre 2013 sa ilalim ng Oplan Bilang Boga at Oplan Katok sa pitong probinsiya ng Gitnang Luzon.

    Sa naturang panahon, dagdag ng opisyal, ang NEPPO ay nakapagsagawa ng 186 operasyon na nagresulta sa pagkasamsam ng 273 assorted firearms, 94 sa mga ito ay high-powered. Nakasasamsam din ang mga otoridad ng 19 fragmentation grenades at samu’t saring armas.

    Ayon kay Nieves, 92 tao ang naaresto at 140 kaso naman ang naisampa sa hukuman kaugnay ng pagtugis sa mga iligal na baril. Sa ilalim ng Oplan Katok, ang mga pulis ay nagsasagawa ng house-to-house campaign sa lahat ng mga may
    ari ng baril upang paalalahanan sila sa pagre-rehistro ng kanilang armas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here