Home Headlines 500 katao sa Mariveles tumanggap ng tulong pinansyal

500 katao sa Mariveles tumanggap ng tulong pinansyal

414
0
SHARE
Si Mayor AJ Concepcion (nakaputi sa gitna) sa pamamahagi ng tulong. Contributed photo

MARIVELES, Bataan — Mahigit 500 residente dito ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula kay Senator Lito Lapid sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.

Ginanap ang pamamahagi ng P2,000 in cash bawat benepisyaryo noong Miyerkules, Setyembre 27, sa Mariveles People’s Park. 

Sinabi ni Mayor AJ Concepcion na ito’y pansamantalang tulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang mga kababayan. 

Pinasalamatan ng mayor ang DSWD at si Senator Lapid na kinatawan ng kanyang staff na sina Yancey Salalia at Ronnie Mercado. 

“Tayo ay patuloy na makikipagtulungan sa mga ahensya ng ating pamahalaan, maging sa probinsyal at nasyonal upang maihatid ang pangangailangan at pag-unlad ng buhay ng bawat pamilyang Mariveleño,” pahayag ni Concepcion. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here