Boluntaryong nagtungo sa kapulisan ang mga ito at nagpasama sa kanilang mga barangay chairman dahil natatakot sila nangyayaring kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs at nais nilang magsipagbago.
Aminado silang gumagamit ng illegal drugs ngunit hindi naman daw mga pushers ang mga ito.
Tinanggap naman ng PNP ang voluntary surrender ng 50, pinasumpa at pinapirma ang mga ito na hindi na masasangkot sa ilegal na droga.
Matapos noon ay nakauwi din ang mga drug users.
Ayon sa PNP, tinatanggap nila ang pagsuko ng mga ito upang bigyan ng pagkakataon na makapagbagong buhay ngunit posible pa ring maaresto at makasuhan kapag muling na-involve sa paggamit ng ilegal drugs.