Home Headlines 5 tonelada ng tilapia, gulay relief goods ng PNP-3 sa frontliners

5 tonelada ng tilapia, gulay relief goods ng PNP-3 sa frontliners

1084
0
SHARE

Inani at ipinamahagi bilang relief goods ang tilapia at gulay sa programang “Rektang Urban Gardening sa Kampo” ng PNP-3. Kuha ni Rommel Ramos



LUNGSOD NG SAN FERNANDO —
Limang tonelada ng tilapia na may kasamang mga gulay ang ipinamahagi ng Philippine National Police Region 3 sa mga frontliners bilang relief goods sa gitna ng kinakaharap na lockdown dahil sa Covid-19.

Sa programang “Rektang Urban Gardening sa Kampo” ay inani ang tilapia at mga gulay na okra, talong, sili, at kamatis sa loob ng Camp Olivas nitong Biyernes ng umaga.

Nasa 500 frontliners ang nabiyayaan nito mula sa hanay ng kapulisan, non-uniformed personnel at mga trabahador sa loob ng kampo. Binigyan din ang mga nakatalaga sa mga ibat-ibang mga checkpoints sa Pampanga.

Ayon kay PNP-3 regional director Brig. Gen Rhodel Sermonia, pina-ani na nila ang mga tilapia at mga gulay na nasa loob ng kampo dahil malaking tulong ito sa mga frontliners na tumutugon sa gitna ng pandemya ng Covid-19.

Matapos mabigyan ang frontliners ay mamimigay din aniya sila ng mga isda at gulay sa mga mahihirap na pamilya sa paligid ng kampo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here