5 tiklo sa droga

    462
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Kalaboso ang sinapit ng limang kalalakihan  nang masakote ng mga tauhan ng Subic PNP at makuhanan ng ipinagbabawal na droga sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic PNP,   ang mga suspek na sina Mar Rucod, 44; Wilson Coral, 27; Benjamin Miguel, 30; at Moncheito Desoacido, 59, pawang  tricycle driver.

    Ang mga suspek ay nauna nang nahuling nagsusugal sa Burgos St., Barangay Wawandueat narekober sa pag-iingat ng mga ito ang isang deck ng  baraha at pera na nagkakahalaga  ng P536. Nakuha pa sa pag-iingat ng mga suspek ang plastic sachet  na hinihinalang naglalaman ng shabu. 

    Samantalang, huli naman sa Barangay Ilwas, Subic ang  suspek na si Benjie Carnaje, 37, matapos itong ireklamo  ng kanyang asawa dahil sa  ginagawa nitong panggugulo  sa kanilang bahay at nakuha  sa pag-iingat nito ang dalawang  plastic sachet ng shabu.

    Kasong paglabag sa Section  11, Article ll ng RA 9165  ang kinahaharap ng mga suspek  habang ang mga ito ay detinido sa Subic Police detention cell.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here