5 sasakyan ng UNA sa Malolos natupok

    452
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS—Ilang araw na lamang ang nalalabi bago maghalalan sa Mayo 13, ngunit isang dagok ang sinapit ng mga kasapi ng United Nationalists Alliance (UNA) sa Lungsod sa ito.

    Ito ay dahil sa limang sasakyang gamit sa kampanya ng ng mga kandidato ng partido ang kahina-hinalang nasunog ng sabay-sabay noong Lunes ng madaling araw, Abril 28.

    Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang tagapagsalita ng UNA sa lungsod na ito na si Dennis San Diego sa katanungan kung sinadyang sunugin ang mga sasakyan at sinabing kasalukuyang pang nagsasagawa ng imbestigasyon angBureau of Fire Protection (BFP).

    Kabilang sa mga nasunog ay ang tatlong maliliit na utility trucks na tinatawag na “Tamiya” at dalawang Elf trucks; at mga sound system na gamit sa kampanya ng partido.

    Ayon kay San Diego, malaking dagok sa kampanya ng lokal na sangay ng UNA na pinangungunahan ni Abogado Danilo Domingo ang nasabing insidente.

    Si Domingo ay dating alkalde ng lungsod na naglingkod ng mahigit 20 taon, at ngayon ay nagtatangakang makabalik sa kanyang posisyon matapos ang tatlong taong pamamahinga.

    “Tahimik ang kampanya ngayon, wala pa kaming magamit na sasakyan at sound system,” ani San Diego.

    Ang insidente ay naganap bandang alas-2 ng madaling araw noong Lunes habang nakaparada sa garaheng di kalayuan sa bahay ni Domingo ang mga sasakyan sa Barangay Lugam, Malolos.

    “Hintayin na lang muna natin yung resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire bago kami mag-comment,” sabi ni San Diego sa katanungan kung may posibilidad ng foul play sa insidente.

    Iginiit pa niya na lubhang mahalaga sa kampanya ang mga nasabing sasakyan, dahil bukod sa mga sound system na ginagamit para sa mga campaign jingles, gamit din ang mga truck upang maglulan ng mga gamit sa kampanya tulad ng mga posters, at pagkain ng mga kasama sa kampanya.

    Ayon sa BFP, kasalukuyan pa nilang tinutukoy ang halaga ng napinsalang mga sasakyan,ngunit ilan ang nagsabing hindi iyon bababa sa P1 milyon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here