CABANATUAN CITY – Limang suspek ang nadakip ng mga elemento ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) dahil sa pagdadala ng baril at nakaw na aso sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan noong Martes.
Ayon kay Senior Supt. Ricardo Marquez, direktor ng NEPPO, ang apat sa mga suspek ay nadakip sa bayan ng San Antonio samantalang ang isa pa ay sa bayan ng Llanera.
Sa ulat, alas 2 ng umaga nang masakote ng mga pulis at Bantay Bayan sa Barangay Lawang Kupang, San Antonio ang apat na hinihinalang magnanakaw ng aso habang lulan ng isang tricycle na may plakang 7506 CD.
Ang mga pinaghihinalaan ay nakilalang sina Daniel Sumaway,31, ng Barangay Valle Cruz, Cabanatuan City kung kanino nabawi ng mga maykapangyarihan ang isang 12 gauge shotgun at mga bala.
Dinakip kasama niya sina Ariel Recanlola,32, ng Barangay Barrera; Romeo Sain,23, ng Barangay Dicarma at Mario de Leon,48, ng Barangay San Isidro, pawang sa Cabanatuan City. Nabawi sa kanila ang mga nakasakong aso na sinasabing ninakaw mula sa ilang residente ng Barangay Lawang Kupang, San Antonio.
Samantala, isa ring 12 gauge shotgun at limang bala ang narekober mula kay Aarne Ferrer,51, ng Barangay Poblacion West, Rizal, Nueva Ecija bandang alas 8:30 ng umaga noong Martes.
Nag-a-araro ng pinagtatalunang lupain sa San Felipe, Llanera, Nueva Ecija ang suspek nang madakip ng mga pulis sa pangunguna ni Insp. Febe Ibris batay sa sumbong ng isang concerned citizen.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1866 sa Tanggapan ng Panlalawigang Taga-Usig ang mga suspek, ayon kay Marquez.