Natagpuang patay sa isang kuwarto ang mga biktima na kinilalang sina Axel John Batac, 21, live-in partner nitong si Angel Romero, 20, kapwa residente ng Barangay Poblacion; Mark Christian Borgonia, 16, ng Barangay Sabang at Benlee “Kamote” Manaloto, 25, ng Barangay Virgen De Los Flores pawang sa bayang ito; at Alvin Cruz, 42, ng Barangay Poblacion, Bustos.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga salarin na tumakas matapos ang insidente patungo sa hindi nabatid na direksyon.
Ayon kay Supt. Enrico Vargas, dakong alas-12:15 ng madaling nitong Linggo nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa natagpuang katawan ng limang katao na nasa ibabaw ng isang kama habang ang isa naman ay nakahandusay sa tabi nito at pawang may mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Nabatid din na bago madiskubre ang insidente ay nagpunta ang may-ari ng nirerentahang bahay na si Mark Anthony Johnson, 36, sa naturang bahay upang kausapin ang mag-live at nang pumasok ito saka tumuloy sa ikalawang palapag kung saan nadiskubre ang mga katawan ng limang biktima.
Narekober ng rumispondeng mga kagawad ng SOCO ang dalawang sachet ng shabu, mga iba’t ibang drug paraphenalia, isang digital weighing scale, 10 basyo ng .45 habang nakatala naman sina Axel at Kamote sa Drug Watch List Personalities ng lokal na pulisya at nakatutok ang imbestigasyon sa anggulong onsehan sa droga sa pagitan ng mga biktima at mga suspek ang pangunahing motibo ng pamamaslang.