Home Headlines 4PH sa Palayan City ipamamahagi na

4PH sa Palayan City ipamamahagi na

497
0
SHARE

PALAYAN CITY – Matagumpay na naisasakatuparan ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) na inilunsad ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr.  dito sa Capital City ng Nueva Ecija.

Sa ngayon ay kumpleto na ang benipisyaryo para sa apat na tower ng proyekto na sinimulan noong July 2023, ayon kay Palayan City Mayor Viandrei Nicole Cuevas.

Ang proyekto ay may apat na towers na may kabuuang 1,076 na yunit.

Ang turnover sa mga beneficiaries ng unang dalawang tower ay sa Setyembre at ang dalawa pa ay sa Nobyembre naman ngayong taon, dagdag pa ng punong lungsod.

Isinasapinal na ng Pag-IBIG ang dokumento ng mga benepisyaryo.

Ang lahat ng mga amenities nito, kabilang ang mga utilities at road network sa Phase 1 ay makukumpleto na sa darating na Setyembre kaalinsabay ng turn over sa dalawang tower.

Kasalakuyan namang under construction ang dalawang natitira pa.

Matatandaan na pinangunahan nn pangulo, kasama sina Department of Human Settlements and Urban Development Sec. Jose Acuzar, Sen. JV Ejercito, House Speaker Martin Romualdez, Mayor Cuevas, at iba pang opisyal, ang groundbreaking ng proyektong ito noong 2022. Contributed photos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here