Home Headlines 48 oras ibinigay sa kapulisan sa pagresolba ng pagpatay sa dalagita

48 oras ibinigay sa kapulisan sa pagresolba ng pagpatay sa dalagita

581
0
SHARE
Si Bulacan Governor Daniel Fernando nang ihayag sa media ang 48 oras na palugit sa kapulisan. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MEYCAUYAN — Binibigyan ni Bulacan Gov. Daniel Fernando ng 48
oras ang kapulisan para resolbahin ang kaso ng isang 15-anyos na dalagita na
nawala at natagpuang patay sa by-pass road sa bayan ng Bustos.

Sa panayam kay Fernando, nais daw niya na agad na resolbahin ng kapulisan sa
lalong madaling panahon ang pagkamatay ng biktimang si Princess Marie
Dumantay, 15, residente ng Graceville, Towerville, San Jose Del Monte City.

Si Dumantay ay naiulat sa social media na nawawala at bangkay na nang
matagpuan sa kahabaan ng by-pass road sa isang madamong bahagi ng Barangay
Bonga Menor noong Biyernes.

Ayon sa ulat, si Dumantay ay may mga paso ng sigarilyo sa braso, mga pasa sa
katawan, may bakas ng sakal leeg at wala ng buhay nang itapon sa damuhan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente at nagsasagawa na ng
backtracking ang Bustos police para matukoy ang mga nasa likod ng pagpatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here