Home Headlines 4,500 trabaho sa Taiwan binuksan para sa mga taga San Jose Del...

4,500 trabaho sa Taiwan binuksan para sa mga taga San Jose Del Monte

113
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE (PIA) — Aabot sa 4,500 na mga trabaho sa Taiwan ang iniaalok para sa mga mamamayan ng lungsod ng San Jose Del Monte.

Kabilang sa mga binuksang trabaho ang pagiging manggagawa sa mga factory ng semiconductors at e-chips kung saan kilala ang Taiwan bilang isang powerhouse sa larangang ito.

Ayon kay Public Service Employment Service Head Perfecto Jaime Tagalog, importante ang mga partnership sa iba’t ibang international companies dahil maraming skilled at documented na manggagawa mula sa lungsod ang mabibiyayaan.

Libo-libong San Joseño ang dumagsa sa isinagawang job fair na nag-aalok ng may 4,500 job opening para sa Taiwan handog ng Department of Migrant Workers at Manila Economic and Cultural Office. (SJDM CIO)

Malaking bagay itong job fair dahil hindi na luluwas pa ang mga San Joseño sa paghahanap ng trabaho at bawas pa sa kanilang gastusin.

“Every year ay may ginagawa tayong “Employers’ Summit at dito tinitingnan natin kung ano ang skills na meron tayong maibibigay sa mga partners employers,” dagdag pa ni Tagalog.

Bukod sa pagbubukas ng nasabing mga oportunidad, tinitiyak din ng Department of Migrant Workers na walang makakapagsamantalang mga illegal recruiters dahil direct hiring ito na ginagawa ng Manila Economic and Cultural Office.

Wala ring babayaran ang mga aplikante mula sa pagpoproseso, medical at deployment. (CLJD/VFC, PIA Region 3-Bulacan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here