Home Headlines 45 sa 47 medical workers na nagpositibo sa Covid gumaling na

45 sa 47 medical workers na nagpositibo sa Covid gumaling na

630
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Kabuuang 47 healthcare workers mula Bulacan ang nagpositibo sa coronavirus disease habang nagtatrabaho sa ibat-ibang medical facilities sa lalawigan, NCR at Gitnang Luzon.

Ayon kay Dra. Joy Gomez, provincial health officer, naitala ang mga naturang kaso mula Marso hanggang nitong Hunyo kung saan ay walo dito ang duktor, 29 ang mga nurses at 10 ang barangay health workers at health care assistants.

Ang 18 dito ay nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong ospital sa lalawigan habang ang 29 ay sa NCR at mga karatig lalawigan ng Bulacan mga nagsisipagtrabaho.

Ayon kay Gomez, may nakitaan dito ng sintomas ng sakit, ang iba ay asymptomatic, may mga na-confine at may mga na-home quarantine lang.

Masayang ibinalita ni Gomez na ang 45 sa mga nagpositibo ay gumaling na mula sa naturang sakit at nakabalik na sa kanilang mga trabaho habang ang isa ay kasalukuyan pang nasa ospital at ang isa na asymptomatic ay naka-home quarantine lamang at naghihintay ng resulta muli ng Covid-19 test.

Ang mga kaanak at mga nakasalamuha ng 47 na nagpositibo ay nakuhanan na rin ng swab test at nai-isolate para sa quarantine.

Samantala ayon pa kay Gomez, isa ang naitala na namatay dahil sa Covid-19 na medical frontliner sa Bulacan. Ito ay isang 65-anyos na duktor mula sa bayan ng Norzagaray na namatay nitong buwan ng Mayo.

Ayon pa sa ulat ng provincial health office, nitong June 23 ay 19 ang naidagdag na nagpositibo sa corona virus.

Ang 15 dito ay naitala nitong nakaraang tatlong araw habang ang apat ay nitong nakaraang mahigit apat na araw. Kayat sa ngayon ay nasa 323 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa lalawigan.

Ang kasalukuyang active cases ay nasa 126 at 163 ang recoveries at 34 ang naitalang namatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here