ABUCAY, Bataan – Isang makulay at mahabang parada ang ginanap Huwebes ng hapon sa bayang ito bilang bahagi ng paggunita sa 423rd Araw ng Abucay na taon-taong ipinadiriwang.sa loob ng maraming taon na.
Nanguna ang sumisirenang police patrol car na sinusundan ng Abucay Band na isa sa pinaka-sikat na banda sa Bataan.
Lumahok ang maraming tao na kinabibilangan ng mga lalaki at babaing may iba’t-ibang gulang na may suot na iba’t-ibang kulay ng T-shirts. Maraming estudyante rin ng Collegio de San Juan de Letran ang sumama sa parada na nagpasikip sa daloy ng trapiko sa bahagi ng MacArthur Highway sa Abucay.
Ilang senior citizen din ang kabilang sa mga naglakad. Naroon din ang ilang katutubong Aeta na ang iba’y umiindak sa saliw ng makabagong tugtugin mula sa umaatungal na mga sound system sa malalaking trak.
Nagbigay kulay ang mga street dancers na binubuo ng mga bading na tila walang pagod sa paghataw.
Ayon sa isang lumang marker sa harap ng simbahan, ipinagkatiwala ang spiritual ministration ng Abucay sa mga Dominikano noong 1588 o 423 taon na ang lumipas. Ang simbahan ng Abucay ang itinuturing na pinaka-matandang simbahan sa Bataan at isa sa mga unang simbahan sa buong Pilipinas.
Sa simbahang ito nagkaroon ng kauna-unahang printing press sa Pilipinas na nagtampok kay Tomas Pinpin bilang kauna-unahang printer sa bansa.