PANDI, Bulacan—Aabot sa mahigit 400 litrong anti-viral disinfectant ang gagamitin para sa paglilinis ng babuyan sa bayang ito na ang mga alagang baboy ay nilipol noong nakaraang linggo dahil sa Ebola Reston virus.
Ayon kay Dr. Jocelyn Gomez, ang provincial health officer ng Bulacan at panlalawigang tagapagsalita hinggil sa pagsugpo sa Ebola Reston virus, ang paglilinis sa babuyan ay isasagawa ng 24 na dating trabahador doon.
Ang paglilinis na nagsimula noong Sabado ay inaasahang tatagal hanggang sa Biyernes.
Tiniyak naman ni Dr. Felipe Bartolome, ang panlalawigang beterinaryo ng Bulacan na ang gagamiting disinfectant ay mabisa.
“Anti-viral yun, at iyun ang ginagamit sa bird flu at iba pang virus,” ani Bartolome hinggil sa disinfectant na ginagamit din sa ibayong dagat ng mga nagsusuri sa mga kaso ng bird flu.
Sinabi niya na bukod sa babuyan, maging ang kapaligiran sa loob ng bakuran nito ay i-ispreyan ng disinfectant.
Ito ay upang matiyak na mapapatay ang mga natitirang virus doon at hindi na kakalat.
Una rito, ipinahayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na hindi magagamit sa loob ng anim na buwan ang nasabing pasilidad para sa maramihang pag-aalaga ng baboy.
Gayunpaman, nilinaw ng BAI na ilang baboy o sentinel pigs ang aalagaan sa nasabing babuyan sa loob ng nasabing panahon upang madetermina kung may natira pang virus doon.
Ang mag sentinel pigs ay isasailalim ng mga pagsusuri, ayon sa BAI.