40 patrol vans pinamahagi

    428
    0
    SHARE
    (Ibinibigay ni Secretary Mar Roxas ang susi ng police patrol kina Board Member Jon Khonghun, Councilor Zaldy Rocafor at Subic Police Chief Inspector Leonardo Madrid habang nakamasid sina 2nd District Rep. Sheryll Deloso at Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Jr. Kuha ni Johnny R. Reblando)
    CAMP CONDRADO YAP, Iba, Zambales — Pormal nang itinurn- over ni Interior Secretary Mar Roxas ang 40 patrol vehicles sa mga police provincial offices sa Gitnang Luzon sa kanyang pagdalaw sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga.

    Lanindalawang 12 patrol vehicles ang ipamamahagi sa 12 municipal police stations sa lalawigan ng Zambales, 10 naman sa Bataan at 18 naman sa Police Regional Office lll (PRO3).

    Sinabi ni Zambales Police Provincial Office (ZPPO) director Senior Supt. Manuel Abu ang mga nasabing patrol behhikulo ay gagamitin sa Lambat Sibat isang “anti criminality campaign” para mabawasan ang krimen sa bawat bayan sa lalawigan.

    Dugtong pa ni Abu na mula nang ipatupad ang Lambat Sibat, 50 percent ng krimen na nangyayari kada linggo na kanilang inaalisa ay na-attain na ng ZPPO.

    Aniya, may 600 pulis na naglilingkod sa 13 munisipalidad ng Zambales at sa tulong ng komunidad, nagagawa ng mga ito na mapaglingkuran ang mga mamayan.

    Sinabi ni Roxas na ang mga patrol vehicles ay kabahagi ng programa sa lahat ng bayan sa buong Pilipinas ang “one time, big time” na 1,490 na bayan ang magkakaroon ng patrol vehicles at ang Zambales ang siyang kauna- unahang nakatanggap nito.

    Ayon sa kalihim, nauna nang naipamahagi sa PNP ang may 80,000 side arms, mga handheld radios at nakatakda pa itong bumili ng 45,000 bagong long firearms para sa kapulisan.

    Dugtong pa ni Roxas na may 800 pang patrol vehicles ang ibi-bid out para sa Public Safety Company, Regional Public Safety Battalion, SAF at iba pang support unit para may magamit sa pagresponde sa police operation at sa kalamidad.

    Umaasa din ang kalihim na sa mga ibinigay na patrol vehicles sa mga municipal police stations na magamit ito sa wasto at tamang paraan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here