LUNGSOD NG OLONGAPO — May 40 pares mag-asawa ang muling nagpakasal nitong Sept. 7 sa Parokya ng Immaculada Concepcion sa Barangay Barretto dito.
Ang mga nag-renew ng kanilang kasal ay ang mag-asawang nagsasama mula 10 taon hanggang 69 na taon.
Ang mass wedding ay isinagawa ni Rev. Fr. Josefino Bernardo, kura paroko ng nasabing simbahan.

Kabilang sa mga nag-renew ng kanilang kasal ang mag-asawang 69 taon nang nagsasama na sina Juanito Dalindin, 98, at Elisa Ecaldre, 88, ng Barangay Barretto.
Ang mga ikinasal ay tumanggap ng gawad pagkilala mula sa Parokya.