Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Roberto Alfanta, 28, ng Upper Pacheco, Barangay Gordon Heights at Nhel Mamaat, 21, ng Purok 14, Barangay Old Cabalan pawang sa Olongapo. Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Bautista ng RTC Branch 73 sa kasong paglabag sa RA 7610.
Si Alfanta ay may kaukulang piyanaang P80,000, samantalang si Mamaat ay may kaukulang piyansang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Arestado naman sa Zambales ang mga suspek na sina Edison Baybay, 46, residente ng Barangay Guisguis, Sta Cruz, Zambales at Aprilyn Aseo, 30, ng Purok 9, Barangay Palanginan, Iba, Zambales.
Ang mga suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Josefina Farrales ng RTC Branch 69 sa kasong qualified theft ng walang kaukulang piyansa.